^

PSN Palaro

Mainit ang simula ni Serena sa Wimbledon

Pilipino Star Ngayon

LONDON - Matapos ang pakikipagbangayan kay Maria Sharapova at ilang serye ng paumanhin mula sa isang magazine profile, bumalik sa kanyang porma si Serena Williams.

Sinimulan ni Williams ang kanyang kampanya para sa ikaanim na Wimbledon championship at ika-17 Grand Slam title overall matapos kunin ang 6-1, 6-3 panalo kontra kay 92nd-ranked Mandy Minella ng Luxembourg.

Ito ang unang tagum­pay ni Williams matapos angkinin ang French Open title noong Hunyo 8.

Ang highest-seeded player namang nasibak ay si No. 10 Maria Kirilenko, tinalo ni teenager Laura Robson, 6-3, 6-4.

Sa 10 local players na sumali sa torneo, tanging sina Robson at reigning US Open champion Andy Murray ang natira sa laban.

“It’s hard for all the British players to come in here and, you know, lose first round because you just feel extra disappointed,” wika ni Robson, binigo si Kim Clijs­ters sa 2012 U.S. Open.

Ang iba pang nagwagi ay sina No. 4 Agnieszka Radwanska, 2011 French Open champion Li Na at No. 7 Angelique Kerber, sinibak si Bethanie Mattek-Sands,  6-3, 6-4.

AGNIESZKA RADWANSKA

ANDY MURRAY

ANGELIQUE KERBER

BETHANIE MATTEK-SANDS

FRENCH OPEN

GRAND SLAM

KIM CLIJS

LAURA ROBSON

LI NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with