^

PSN Palaro

Sa first batch ng National BWC finalists Enriquez bumandera agad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumana ng 2755 pin­falls matapos ang 12 games ang beteranong si Jong Enriquez upang pa­ngunahan ang unang batch ng finalist sa 2013 Bowling World Cup na ginawa kamakailan sa 13 bowling centers.

Kasama sa ginulat ni Enriquez ay ang six-time world champion na si Paeng Nepomuceno na may 2413 iskor.

Nakapanggulat din sina Annie Gan at hindi kilalang si Mades Arles sa kababaihan matapos magsumite ng 10-game totals na 1972 at 1960.

Si Krizziah Tabora na nakasama ni RJ Bautista na kumatawan sa World Cup Finals noong nakaraang taon ay nangapa sa kanyang tunay na porma sa naisumiteng 1730 puntos.

Idinadaos na ang se­cond qualifying round sa 13 centers na Paeng’s Eastwood, Astrobowl, Commonwealth, Paeng’s Freedom Imus, Coronado Lanes Starmall, Superbowl, Puyat Sports Baguio, Q Plaza, SM Valenzuela, SM North EDSA, SM MOA, SM Fairview at Paeng’s Midtown.

Ang mga makakasama sa second batch ng finalists ay makakasama nina Enriquez at iba pa sa national finals mula Setyembre 14 at 15 sa Coronado Lanes, Setyembre 17 at 18 sa Paeng’s Midtown at Set­yembre 20 sa SM Mall of Asia Arena.

Ang lalabas na kampeon sa National Finals ay kakatawan sa bansa sa international finals sa Sibiryak Bowling Center sa Krasnoyarks, Russia mula Nobyembre 15 hanggang 24.

ANNIE GAN

BOWLING WORLD CUP

CORONADO LANES

CORONADO LANES STARMALL

ENRIQUEZ

FREEDOM IMUS

JONG ENRIQUEZ

MADES ARLES

PAENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with