^

PSN Palaro

Istilo ng Japan makikilatis ni Gregorio

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon si Ryan Gregorio, miyembro ng coaching staff ng Gilas Pilipinas II, na mapag-aralan ang istilo ng Japanese national team.

Nakatakdang magtu­ngo ang Meralco ni Gregorio sa Japan para sa isang three-game exhibition series laban sa Japanese National team na gagawin sa Sendai at Tokyo.

 Inaasahang pag-aaralan din ni Gregorio ang Japanese national team na magiging isa sa mga kalaban ng Nationals sa second round ng FIBA Asia Championship.

Dapat ay maglalaro ang Gilas II sa Japanese series. ngunit binago ng Gilas officials ang kanilang iskedyul matapos ang na­ging resulta ng FIBA Asia draw.

 Dahil dito, papupuntahin  ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang Bolts kasama sina Gilas cadet players Garvo Lanete, Ke­vin Alas at Ronald Pascual.

Magiging reinforcement rin ng Meralco si import Chris Blake na gustong maglaro sa PBA Governors Cup na nakatakda sa Agosto14.

ASIA CHAMPIONSHIP

CHRIS BLAKE

GARVO LANETE

GILAS PILIPINAS

GOVERNORS CUP

GREGORIO

JAPANESE NATIONAL

MERALCO

RONALD PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with