^

PSN Palaro

Torres umatras: Pinoy tracksters delikado sa ASIAN meet

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi malayong umuwing luhaan uli ang Pambansang dele­gasyon na ilalahok sa 20th Asian Athletics Championships sa Pune, India mula Hulyo 3 hanggang 7.

Ito ay matapos ang pag-atras ni SEA Games long jump queen Marestella Torres sa kompetisyon bu­nga ng injury para maiwan sa 14 na iba pang National tracksters ang pagbalikat sa hanap na tagumpay sa kompetisyon.

“Hindi pa lubusang gumagaling ang sprained ankle niya na nangyari habang nagsasanay sa ULTRA para sana sa Philippine National Games kaya hindi na siya isasama,” wika ni National coach Roselyn Hamero.

Ito ang ikalawang injury ni Torres matapos ang hamstring dahilan upang hindi rin siya naipadala sa tatlong yugtong Asian Gran Prix.

Nakasalalay kay Torres ang hanap na tagumpay dahil siya ang gold me­dalist sa paboritong event noong 2009 sa Guangzhou, China.

Ang tuwing kada-dalawang taon na torneo na may basbas ng Asian Athle­tics Associaton (AAA) ay huling ginawa noong 2011 sa Kobe, Japan pero hindi rin sumali si Torres para mawalan ng medalya ang Pilipinas.

Si Katherin Khay Santos, na nanalo ng pilak sa Asian Grand Prix, ang magi­ging entrada ng ban­sa sa women’s long jump habang ang iba pang kasali sa women’s division ay sina Rosie Villarito (ja­velin), Loralei Sermona (hammer throw) at Narcisa Atienza (heptathlon).

Kukumpletuhin ang delegasyong suportado ng PSC nina Arniel Ferrera (hammer throw), Henry Dagmil (long jump), Danilo Fresnido (javelin), Mervin Guarte (800-m at 1500-m), Archand Christian Bagsit (400-m at 4x400-m relay), Edgardo Alejan Jr. (400-m at 4x400-m relay), Junrey Bano (400-hurdles at 4x400-m relay), Julius Nier­ras Jr. (4x400-m relay), Jesson Ramil Cid (decathlon) at Fil-Am Eric Shauwn Cray (110-m at 400-m hurdles).

Bukod sa tang­kang panalo, hanap din ng mga kasapi na maabot ang gold medal standard sa SEA Games para masama sa Pambansang delegasyon patungong Myanmar Games sa Dis­yembre.

Isa si Cray sa pagtutuunan ng pansin ng coaching staff ng PATAFA dahil ang kanyang personal best sa 400-m hurdles ay nasa 50.46 segundo na nagawa sa Big Twelver Championship noong Mayo, 2012.

“Ang personal best niyang ito ay lampas na sa 51.45 seconds SEA Games record na ginawa ni Dao Xuan Cuong ng Vietnam noong 2011 sa Indonesia. Kung maabot niya uli ito, puwede siyang magkame­dalya sa Asian meet,” dagdag ni Ha­mero.

Su­mali ang 24-anyos na si Cray sa PNG at naka­gawa ng bagong Philippine record sa 110-meters sa 11.22 se­gundo.

Kuma­rera rin siya sa 400-meter hurdles pero sa heat la­mang nakatakbo dahil nabiktima siya ng diarrhea.

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

ARNIEL FERRERA

ASIAN ATHLE

ASIAN ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

ASIAN GRAN PRIX

ASIAN GRAND PRIX

BIG TWELVER CHAMPIONSHIP

DANILO FRESNIDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with