Team na isasabak sa ASWVC SA Thailand PVF na ang magpapadala
MANILA, Philippines - Aakuin ng Philippine Volleyball Federation (PVF) ang pagpapadala ng Pambansang koponan sa gaganaping 2013 Asian Senior Women’s Volleyball Championships (ASWVC)sa Thailand mula Setyembre 13 hanggang 19.
Sa PSA Forum sa ShaÂkey’s Malate inihayag ni acting president ng PVF Karl Geoffrey Lee Chan ang kahandaan ng NatioÂnal Sports Association (NSA) na magpadala ng disenteng koponan na maihahayag na sa susunod na linggo.
“We are confident the team we are forming will come out good,†wika ni Chan, ang dating vice preÂsident ng PVF na umakyat ng puwesto matapos magÂhain ng indefinite leave ang pangulong si Gener Dungo para pagtuunan ang ibang pinagkakaabalahan.
Nakasama ni Chan si Otie Camangian na ibinuÂlalas ang isasagawang by-invitation tryouts sa mga manlalaro sa UAAP, NCAA at Shakey’s V-League para makapili ng manlalaro na bubuo sa malakas na koponan.
Ang akyon ng PVF ay nangyari matapos kunin ng Philippine Olympic Committee ang karapatang magpadala ng Pambansang koponan sa Asian Southeastern Zone WoÂmen’s Volleyball qualifier sa Quang Tri, Vietnam.
Nagtala ng panalo ang kauna-unahang women’s volleyball team mula 2005 laban sa Myanmar pero natalo sa Vietnam at IndoÂnesia.
Samantala, plano rin ng bagong pamunuan ng PVF ang makumpleto ang talaan ng mga bagong opisyales para maibalik ang pagtitiwala sa NSA ng mga stakeholders ng sport.
Mga malalaking tao na kilalang may pagmamahal sa sport ang iuupo sa board upang pagtulung-tulungan ang planong pagbangon ng volleyball ng bansa.
- Latest