Pirates sinilat ang Lions; Cardinals sumabog sa Heavy Bombers
MANILA, Philippines - Kagaya ng sinabi ni coach Boyet Fernandez, hindi puwedeng balewalain ng three-peat champions na San Beda College ang kanilang mga kalaban.
Ginitla ng dehadong Lyceum Pirates ang Red Lions, 70-66, sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Tumipa si Shane Ko ng game-high 23 points na tinampukan ng dalawang free throws sa huling mga segundo ng final canto para sa 1-0 record ng Lyceum kagaya ng Letran at Jose Rizal University.
Ito ang kauna-unahang panalo ng Pirates, nangulelat sa nakaraang NCAA season, kontra sa Red Lions sa kanilang limang beses na pagtatapat matapos pumasok sa liga noong 2011.
Sa unang laro, umiskor si sophomore Phil Paniamogan ng game-high 24 points at nagdagdag ng 18 markers si John Pontejos, isang transferee mula sa San Beda, para igiya ang Jose Rizal University sa 83-72 panalo laban sa Mapua.
Ginamit ng Heavy BomÂbers ni coach Vergel Meneses, nagparada ng 11 rookies, ang kanilang trapping defense para talunin ang Cardinals ni Atoy Co.
Mula sa isang 20-point deficit sa first half ay buÂmangon ang Mapua sa likod ni Kenneth Ighalo para agawin ang unahan sa 62-60 sa third period.
Sinandalan naman ng Jose Rizal ang kanilang maÂhigpit na depensa upang muling angkinin ang bentahe sa final canto.
Binuksan ng Heavy Bombers ang laro mula sa 12-2 kalamangan bago iniwanan ang Cardinals sa sa 41-21 sa 4.01 sa second period.
Isang 12-2 atake naman ang inilunsad ng Mapua para makalapit sa halftime, 33-43.
Tumapos si Ighalo na may team-high 22 points para sa Cardinals.
- Latest