^

PSN Palaro

2nd Century Tuna 5150 triathlon Philippine series dominado ng mga Australian triathletes

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang pagbiyahe na ginawa ng mga Australian triathletes nang dominahin ang 2nd Century Tuna 5150 Triathlon Philippine Series kahapon sa Subic Bay Freeport.

Idinagdag ng ma­ka­­ilang-ulit na Ironman champion na si Luke McKenzie ang titulo nang dominahin ang kalalakihan habang nagtagumpay si Belinda Granger na madepensahan ang titulo sa kababaihan para katampukan ang magarang pagpapakita ng mga dayuhan sa karerang inilagay sa 1.5-km swim, 40-km bike at 10-km run.

Binalewala ni McKenzie ang pagiging ikatlong triathlete na lumabas sa swim (17:55) sa All-Hands beach nang pangunahan ang mga kalahok sa bike (1:04:13) at run (35:27) tungo sa nangungunang isang oras, 59 minuto at 25 segundong tiyempo.

Tinalo ni McKenzie ang mga kababayang sina Ben Allen (2:02:40) at Michael Murphy (2:05:46).

Lakas sa paglangoy (20:05) at bike (1:12:41) ang ginamit na sandata ni Granger para makuha ang ikalawang sunod na titulo sa 2:17:33 oras.

Ang Australian ding si Michelle Gailey ang pumangalawa sa 2:24:09 habang si Jacqui Salack ng United Kingdom ang pumangatlo sa 2:26:05.

Si Monica Torres ang lumabas bilang pinakamahusay sa mga lumaban para sa host country nang tumapos siya sa pang-apat sa kababaihan sa 2:28:19.

Selyado naman ng 22-anyos na si John Chicano ang taguri bilang pi­nakamahusay na triathlete sa kalalakihan ng bansa nang kunin ang ikalimang puwesto sa overall at pa­ngunguna sa Local Male Elite sa 2:09:45.

Si Chicano, na nagsa­nay sa Brisbane, Australia at gold medalist sa idinaos na Philippine National Ga­mes (PNG), ang top Filipino rin noong nakaraang taon nang tumapos sa ikalimang puwesto pero sa mas mababang tiyempo na 2:11:35 oras.

Pumangalawa si Jonard Saim sa 2:10:29 habang si Nikko Huelgas ang  pumangatlo sa 2:11:00 upang okupahan din ang ikaanim at pitong puwesto sa overall.

Umabot sa 661 ang mga triathletes na sumali na kinatampukan ng 570 sa kalalakihan at 91 sa ka­babaihan.

ANG AUSTRALIAN

BELINDA GRANGER

BEN ALLEN

CENTURY TUNA

JACQUI SALACK

JOHN CHICANO

JONARD SAIM

LOCAL MALE ELITE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with