Marbury darating ngayon sa Pinas
MANILA, Philippines - Darating sa bansa ngayon ang maÂkulay na dating NBA player na si Stephon Marbury para sa panandaliang pagbisita.
Galing ang 36-anyos at 6’2 guard mula sa pagbisita sa Kuala Lumpur, Malaysia na kung saan naÂging hurado siya sa isinagawang 3-on-3 tournament ng Malaysian Dragons.
Bukas ay haharapin niya ang mga mamamahayag sa National Press Club at sa hapon ay pupunta sa Asian Institute of Maritime Studies sa Pasay City para sa Fans Day.
Umabot ng 13 taon ang paglalaro ni Marbury sa NBA at napasok siya noong 1996 nang kunin ng Milwaukee Bucks bago ipinagpalit sa Minnesota Timberwolves para kay Ray Allen na naglaro rin sa Boston Celtics at kasapi ngayon ng nagkampeon sa NBA na Miami Heat.
Nakatambal ni Marbury si Keven Garnett sa Timberwolves at naipasok nila ang koponan sa Playoffs noong 1997-98 seasons.
Noong 1999 ay nagsimula ang palipat-lipat ng team ni Marbury dahil napunta siya sa New Jersey Nets, Phoenix Suns, New York Knicks at Boston Celtics.
Ang kanyang NBA averages ay 19.3 puntos at 7.6 assists sa 846 regular season games.
Napunta siya sa China noong 2010 at ang mainit na pagsuporta na ibinigay sa kanya sa Chinese Basketball Association ang nakatulong para mabuhay uli ang kanyang basketball career.
Tatlong Chinese teams na ang napaglaruan ni Marbury at ngayon ay nasa Beijing Ducks na kanyang ginabayan tungo sa titulo sa nakaraang season.
Habang nasa bansa, balak din tignan ni Marbury kung puwedeng ilako ang murang “Starbury†basketball shoe na kanyang binuksan noon pang 2006 sa US.
- Latest