VP Binay susuportahan ang pagtatayo ng boxing academy
MANILA, Philippines - Sinabi ni Vice President Jejomar Binay na ang mga Filipino fighters, anuman ang kanilang laki, ay ang pinakamagaling sa buong mundo dahil sa kanilang tapang at talento.
Inihalimbawa niya ang bagong IBO superflyweight champion na si Edrin DapuÂdong na nagtungo sa kanyang opisina para sa isang courtesy call sa Coconut Palace kamakalawa.
Si Dapudong ay tinanggap ni Binay kasama ang kanyang manager na si dating North Cotabato Gov. Manny Piñol at si sportsman Hermie Esguerra.
Nasa grupo rin sina Dennis Canete ng ALA BoÂxing, Ring Magazine writer Ryan Songalia at GMA 7’s Chino Trinidad.
“Magaling at matapang, that’s why our Filipino figh-ters become world champions,†sabi ni Binay na pinanood ang video ng first round knockout win ni Dapudong laban kay Gideon Buthelezi para sa IBO crown.
Binanggit ni Binay ang posibilidad ng paglaban ni Dapudong sa Makati Coliseum.
Tinalakay ang plano kung paano magkakaroon ng mga world champions, sinabi ni Binay na sinusuportahan niya ang pagkakaroon ng isang boxing academy.
Ang paghahanay ng boxing event sa PalaÂrong Pambansa ay isang positibong hakbang para sa pagdiskubre ng mga talento.
Suportado ni Binay ang pagtatayo ni Dapudong ng kanyang training camp sa gym ni Esguerra sa Lipa, Batangas para sa kanyang pagdedepensa sa korona.
- Latest