Si Petecio lang ang lumusot: Sumuntok ng gold sa China open
GUIYANG, CHINA--Isinantabi ni Nesthy PeÂtecio ang anim na pulgaÂdang height advantage ni Alexis Pritchard ng New Zealand para kunin ang unanimous decision panalo at ang gintong medalya sa China Open Boxing Tournament na natapos noong Biyernes dito.
Nakasilip ng butas si Petecio sa mahahabang galamay ng Chinese lady pug upang makapuntos at makuha ang desisyon ng tatlong hurado sa lightweight finals.
Ang 21-anyos na tubong Davao ang natatanging pambato ng bansa na nakaÂlusot sa finals sa hanay ng tatlong inilaban.
Ang world champion sa light flyweight na si Josie Gabuco ay natalo sa unanimous decision kay Xi Shiqi ng China sa flyweight division habang si Junel Cantancio ay nabigo kay Viacheslav Supinov ng Russia sa isa ring unanimous decision.
Tinalo ang London Olympics silver medalist at 3-time world champion Ren Cancan sa semifinals, nahirapan si Gabuco sa pa-akap-akap na diskarte ni Xi upang hindi makaganti sa mga patamang naibibigay ng katunggali para makontento sa pilak na medalya.
Mabibilis pa rin ang mga suntok ni Cantancio ngunit marami sa mga binitiwan ay hindi tumama upang makontento rin sa pilak ang pamangkin ng Olympian at ngayon ay national coach Leopoldo Cantancio.
Si London Olympian Mark Anthony Barriga ay nag-uwi ng bronze medal habang ang iba pang ipinaÂdala na hindi pumasok sa medal round ay sina Roldan Boncales, Nico Magliquian at Dennis Galvan.
Ang host China ang luÂmabas bilang kampeon sa walong bansang kompetisyon sa nasungkit na pitong ginto habang ang Kazakhstan at Russia ay may tig-dalawa habang ang Mongolia ang nakasama ng Pilipinas na may tig-isang ginto.
Ang New Zealand ay mayroong dalawang pilak, ang India ay mayroong isa habang hindi nakapag-uwi ng medalya ang Mauritius.
Ang paglahok ng ABAP sa pangunguna ng kanilang pangulong si Ricky Vargas ay ginawa para paigtingin ang paghahanda ng pambansang boksingero para sa World Championship sa Almaty, Kazakhstan mula Oktubre 11 hanggang 27 at ang Myanmar SEA Games mula Disyembre 11 hanggang 22.
- Latest