King James puwede nang magpahinga
MIAMI--Maaari nang magpahinga si LeBron James kahit kailan niya gusto.
Siya na ngayon ang two-time NBA champion at isang two-time Finals MVP.
Sa Game 7 ng NBA Finals, humakot siya ng 37 points at 12 rebounds at kinontrol ang halos lahat ng bagay sa dulo ng laro para igiya ang Heat sa 95-88 panalo laban sa San Antonio Spurs.
“This is what it’s all about,†sabi ni James. DaÂlawang araw matapos tulungan ang Heat sa overtime win sa Game 6, nagtala si James ng 12 for 23 fieldgoals, 5 for 10 shooting sa 3-point range at 8 for 8 sa free throw line.
At sa season kung saan siya hinirang bilang MVP sa ikaapat na pagkakataon, idinagdag niya ang ikalawang NBA ring sa kanyang koleksyon.
Nakasama siya nina Michael Jordan at Bill Russell bilang tanging mga players sa league history na nanalo ng back-to-back Finals MVP at regular-season MVP awards.
- Latest