Naturalized player ibabandera ng Qatar
MANILA, Philippines - Maliban sa Lebanon, magbabandera din ang Qatar ng isang naturalized player sa darating na 27th FIBA Asia Championship na nakatakda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa PaÂsay City.
Tatlong naturalize candidates ang nasa listahan ng Qatar.
Ito ay sina 6-foot-8 forward Jarvis Hayes, 6-foot-5 guard Trey Johnson at playÂmaker in Boney Watson.
Binigo ng Qatar ang Gilas Pilipinas para sa third place trophy sa 4th FIBA Asia Cup sa Tokyo, Japan.
Nanguna para sa Qatar sa Tokyo si Johnson, isang three-year NBA veteran na naglaro para sa Cleveland, Toronto, LA Lakers at New Orleans.
“We don’t see it as a problem as we have three quality players who provide us with options and also gives us some insurance from injury. As training starts, the frontrunner for the spot is Jarvis Hayes,†wika ni Qatar coach Tom Wisman sa isang on-line report.
Si Hayes, ang 10th pick ng Washington Wizards sa draft class na kinabibilaÂngan nina LeBron James, Carmelo Anthony, Dwyane Wade at Chris Bosh, ang sinasabing gagawing naturalized player ng Qatar.
Naging back up kay Jerry Stackhouse, nagtala si Hayes ng average na career-best 10.2 points sa 2004-05 campaign at 8.3 points sa 427 laro mula 2003 hanggang 2010.
Bukod sa Qatar, ang iba pang nasa Group B ay ang Lebanon, Japan at Hong Kong.
Inaasahang papasok sa second round ang Qataris, Lebanese at Japanese sa second round kung saan nila maaaring makalaban ang Gilas Pilipinas, Jordan at Chinese Taipei. (NB)
- Latest