^

PSN Palaro

Kampeon sa MILO Marathon ipapadala sa Paris Marathon

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pagkakataong katawanin ang Pilipinas sa biga­ting 2014 Paris Marathon ang nakataya sa 37th National MILO Marathon Finals sa Disyembre 8.

Ito ang inihayag kaha­pon ni MILO Sports Exe­cutive Andrew Neri sa kanilang idinaos na press conference sa Bayview Hotel.

“This year we have the honor and privilege of sending our own elite runners to an esteemed international race event,” wika ni Neri.

Ang magkakampeon sa men’s at women’s 42.192-kilometer National Finals sa Disyembre 8 ang siyang mabibigyan ng pagkakataong lumahok sa 2014 Paris Marathon.

Noong nakaraang Nationals Finals ang nagdomina sa men’s division ay si Eduardo Buenavista, samantalang si Mary Grace delos Santos ang nanguna sa women’s category.

Sina Buenavista at delos Santos ay posibleng hindi makasali sa National Finals, naglalatag ng premyong P30,000 sa men’s at women’s classes, dahil sa kanilang pagsabak sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Samantala, hihigpitan naman ng mga organizers ang 18 leg races sa MILO National Marathon matapos ang nangyari sa Boston Marathon noong Abril 15 kung saan tatlo ang namatay at 264 ang na­sugatan.

 

ANDREW NERI

BAYVIEW HOTEL

BOSTON MARATHON

DISYEMBRE

EDUARDO BUENAVISTA

MARATHON FINALS

MARY GRACE

NATIONAL FINALS

PARIS MARATHON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with