Gabuco, Petecio susuntok ng ginto sa China Open slugfest
GUIYANG, China--Nagpatuloy ang magandang ipinakikita nina Josie Gabuco at Nesthy Petecio habang binigyan din nina London Olympian Mark Anthony Barriga at Junel Cantancio ng sigla ang kampanya ng men’s boxing team nang nagsipanalo pa sa idinaÂdaos na China Open Boxing Tournament dito.
Walang takot na hinarap ng world champion sa 48-kg., na si Gabuco ng Palawan si London Olympics silver medalist at 3-time world champion sa flyweight (51-kg) division Ren Cancan ng China at ipinamalas ang bangis ng mabibilis na kamao para manalo sa laban sa unanimous decision.
Si Gabuco ay umakyat sa dibisyon ni Cancan dahil wala ang pinaglalaruang ligh flyweight pero naipakita ng lady pug ang husay para umabante sa finals.
Sunod na kalaban ni Gabuco ang isa pang Chinese boxer na si Xu Shiqi sa championship sa Biyernes.
Sinundan ni Petecio ang magandang panalo ng kasamahan sa ABAP sa pamamagitan ng majority decision laban kay Liu Chang.
Bagama’t mas mataas ang kalaban, ginamit ni Petecio ang mga matitinÂding atake sa katawan ng ChiÂnese lady pug upang maÂkumbinsi ang dalawang hurado sa 40-36 at 39-37 panalo. Ang pangatlong judge ay kumampi kay Liu, 39-37.
Abante rin si Petecio sa finals kalaban si Alexis Pritchard ng New Zealand.
Samantala, tactical fight ang labang naipakita ni Barriga para talunin ang 2011 World Junior Championships silver medalist na si Naveen Kumar ng India sa pamamagitan ng majority decision.
Si Junel na pamangkin ni dating national boxer at ngayon ay national coach Leopoldo Cantancio, ay dinomina si Colin John ng Mauritius sa pamamagitan ng unanimous decision.
Minalas naman si Nico Magliquian nang natalo kay Ajay Kumar ng India sa maÂjority decision.
Sunod na kalaban nina Barriga at Cantancio ay sina Xu Chao at Wang Bo ng China na idinaos nitong Huwebes ng gabi.
- Latest