Depensa ni Dapudong sa African pug uli
MANILA, Philippines - Matapos ang kanyang pag-angkin sa International Boxing Organization super flyweight title ay kaagad itong idedepensa ni Edrin ‘The Sting’ Dapudong.
Inihayag kahapon ni Golden Gloves promoter Rodney Berman na ilalaban niya si Nkosinathi Joyi ng South Africa kay Dapudong sa Agosto sa Emperor’s Palace Resort and Casino sa Johannesburg, South Africa.
I’ve secured him a title shot against Dapudong at the heavier junior bantamweight (super flyweight) limit after concluding with Siphato Handi,†wika ni Berman sa kanyang pakikipag-usap sa manager ni Joyi.
Tinalo ni Dapudong si dating world champion Gideon Buthelezi mula sa isang first-round KO win para agawin sa South African ang suot nitong IBO crown noong nakaraang Linggo sa sa Emperor’s Palace Resort and Casino.
Nauna nang natalo si Dapudong (29-5-0, 17 KOs) kay Buthelezi (13-4-0, 4 KOs) mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Nobyembre 10, 2012 sa nasabi ring venue.
Tiniyak ni Berman na kaÂsasabikan ng mga boÂxing fans ang pagdedepenÂsa ni Dapudong, tubong Barangay Pag-asa, M’lang, North Cotabato, ng kanyang IBO belt laban kay Joyi (23-2-0, 16 KOs).
“This will be a true crowd-pleaser after the clinical manner in which the Filipino dismantled Buthelezi,†wika ni Berman sa laban nina Dapudong at Joyi, natalo kay Hekki Budler via split decision para sa IBO minimumweight crown noong Hunyo 15.
Bago makamit ang kanyang unang world boxing belt ay apat na beses munang natalo si Dapudong sa kanyang mga title bids.
- Latest