Nominado sa PBA Hall of Fame pangungunahan nina Paras, Magsanoc
MANILA, Philippines - Pangungunahan nina two-time MVP awardee Benjie Paras at Ronnie Magsanoc ang pito pang personalidad na binigyan ng nominasyon para mapabilang sa fifth batch ng PBA Hall of Fame.
Sa pulong kahapon, nasa listahan din ng PBA Hall of Fame selection/nomination committee sina dating Rookie of the Year awardee Arnie Tuadles, Lim Eng Beng, import Sean Chambers, coach Ed Ocampo, referee Egmidio Cahanding, longtime league board member Elmer Yanga at media man Fred Luarca.
Si STAR columnist Joaquin Henson ang chairman ng selection/nomination committee na kinabibilaÂngan nina PBA officials Rickie Santos at Willie Marcial, PBA Press Corps president Musong Castillo, TV5’s Magsanoc, sports columnist Dennis Principe at Paras na kumakatawan sa mga PBA players.
Ang mga nominado ay dadaan sa screening ng honors committee bago sila mapasama sa Hall of Fame.
Ang pagluluklok sa bagong grupo ng PBA Hall of Fame honorees ay gagawin bago magbukas ang susunod na PBA season.
Kabuuang 36 indiviÂduals sa nakaraang apat na batches ang napasama na sa Hall of Fame, kasama rito ang 12 sa pagÂlulunsad nito noong 2005.
Ang first batch ay binuÂbuo nina Robert JaÂworsÂki, Ramon Fernandez, Atoy Co, Philip Cezar, Bogs Adornado, Francis Arnaiz, Baby Dalupan, Leo Prieto, Emerson Coseteng, Rudy Salud, Danny Floro at Joe Cantada.
Sina Abet Guidaben, Manny Paner, Danny FloÂrencio, Norman Black, Ron Jacobs, Domingo Itchon, Danding Cojuangco, Dante Silverio, Tony Siddayao at Pinggoy Pengson ang napabilang sa second group noong 2007.
Sina Bobby Parks, Allan Caidic, Samboy Lim, Hector Calma, Ricky Brown, Honeyboy Palanca at Jun Bernardino ang napabilang sa third batch noong 2009.
Ang fourth batch ay biÂnubuo nina Alvin Patrimonio, Billy Ray Bates, Freddie Hubalde, Tommy Manotoc, Tito Eduque, Mariano Yenko at Bobong Velez noong 2011.
- Latest