^

PSN Palaro

James, Wade at Bosh pupuwersahin ang Game 7

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Noong 2011 NBA Finals ay nagbalik ang Heat sa Miami na may 2-3 agwat laban sa Dallas Mavericks.

Hindi na nakabangon ang Heat at pinanood ang Mavericks na magdiwang sa kanilang sariling basketball court.

Sa nasabi ring taon unang nabuo ang ‘Big Three’ nina LeBron James, Dwya­ne Wade at Chris Bosh.

“We’re going to see if we’re a better team than we were our first year toge­ther,’’ sabi ni James.

Ngayong 2013 NBA Finals ay kailangan namang maipanalo ng Heat ang Game 6 at 7 sa Miami  kontra sa San Antonio Spurs para mapanatiling suot ang NBA crown sa ikalawang su­nod na pagkakataon.

Isang panalo naman ang kailangan ng Spurs para makuha ang kanilang pang limang NBA cham­pionship.

“Our next challenge, biggest challenge, will be Tuesday night,’’ sabi ni James. “We have an opportunity on our home floor with our home fans to keep the series going, and we look forward to it.’’

Sinabi ni James na kailangan niyang ibigay ang lahat para maipanalo ang Miami.

“I have to come up big, for sure in Game 6,’’ sabi ni James. Sa tuwing nalalagay sa panganib ang Heat ay si James ang nagsasalba sa koponan.

vuukle comment

BIG THREE

CHRIS BOSH

DALLAS MAVERICKS

DWYA

ISANG

JAMES

NGAYONG

NOONG

SAN ANTONIO SPURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with