Para angkinin ang korona ng Gerry Weber open: Federer binigo si Youzhny sa finals
HALLE, Germany -- TiÂnalo ni Roger Federer si MikÂhail Youzhny, 6-7 (5), 6-3, 6-4, para angkinin ang koÂrona ng Gerry Weber Open.
Ito ang kanyang unang titulo matapos noong Agosto ng 2012 sa Cincinnati.
Winakasan ni Federer ang 10 buwan sa 11 torneo na walang korona.
‘’I’ve won a lot but not so much in the last 10 months, although I feel I’d been plaÂying well,’’ sabi ng 31-anyos na si Federer. ‘’But the others were playing better.’’
Nakamit ni Federer ang kanyang ikaanim na titulo sa Halle mula sa kanyang waÂlong finals apperances.
Ang apat sa pitong WimÂbledon trophies ay kiÂnuha ng Swiss netter sa Halle.
Ito ang pang 77 career title ng dating top-ranked plaÂyer, ngayon ay No. 3.
Tumabla si Federer kay John McEnroe sa ikatlo sa all-time list.
Nasa itaas nila sina JimÂmy Connors at Ivan Lendl na may 109 at 94 caÂreer titles, ayon sa pagkaÂkasunod.
Hangad ni Federer na maÂpalawig ang kanyang reÂcord na 17 Grand Slam championships sa pagdeÂdepensa niya ng korona sa Wimbledon.
‘’I feel fit; I feel confident. I’m excited about what’s to come,’’ sabi ni Federer. ‘’I’m very pleased with how I played this week.’’
Ang turning point ng kaÂnilang laban ni Youzhny ay nangyari sa eighth game sa second set.
Ito ay nang makagawa si Youzhny ng double-fault sa break point.
- Latest