Asian Southeastern zone Women’s Volleyball Pinays wagi sa Myanmar
MANILA, Philippines - Lumabas ang bangis ni Dindin Santiago upang may makatuwang si AlysÂsa Valdez para bitbitin ang Team Philippines sa 20-25, 25-14, 25-10, 25-17 panalo kontra sa Myanmar sa Asian Southeastern Zone Women’s Volleyball quaÂlifier noong Sabado sa Quang Tri, Vietnam.
Bumawi ang 6-foot-2 na si SanÂtiago mula sa limang hits lamang sa 9-25, 11-25, 18-25 pagkatalo sa host Vietnam noong Biyernes sa kinamadang 16 hits, habang si Valdez ay may 15 hits upang makatiÂkim ng unang panalo ang koponan.
Tumulong din ang 6’4 na si Jaja Santiago mula sa kanyang 12 puntos, si Iari Yongco ay may 10 hits, habang nagsanib sa 15 hits sina Maika Ortiz, Suzanne Roces, Rhea DimaculaÂngan at Rubie de Leon.
Hindi sana umabot sa apat na sets ang labanan kung napangatawanan ng national team ang malakas na panimula sa first set nang hawakan ang 8-5 at 16-14 kalamangan.
Ngunit lumamig ang laÂÂrong nakita sa koponan ni coach Roger Gorayeb at naisuko ang unang set.
Hinigpitan ng koponan ang kanilang depensa, haÂbang pinangunahan nina SanÂtiago at Valdez ang pag-atake para buksan ang 16-7 kalamangan sa second set.
Lalo pang bumangis ang Nationals sa third set nang makuha ang unang sampung puntos para tuÂluyan nang hawakan ang momentum sa labanan.
Huling makakalaro ng Nationals ang Indonesia sa pagtatapos ng torneo kahapon.
May 1-1 karta rin ang Indonesia katulad ng Pilipinas matapos dumapa sa host Vietnam, 1-3.
“The team is optimistic and excited to play IndoneÂsia after a big win over Myanmar. But it’s still a 50-50 chance,†wika ni team maÂnager Tony Boy Liao.
Isa sa mga tututukan ng National squad ay si Aprilia Mangarang na kung kumilos ay tila isang lalaki.
Gumawa ito ng 24 punÂtos laban sa VietÂnam.
- Latest