^

PSN Palaro

Heat asam ang 3-2 lead

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO – Sa kanilang mga la­ro sa playoffs, papalit-palit ng panalo at talo ang Miami Heat.

Sinabi ni LeBron James na “enough is enough” at ito na ang oras para kunin ng Heat ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa NBA Finals laban sa San An­tonio Spurs.

Ngunit para mangyari ito, kailangan ng Heat na muling makahugot ng malaking pro­duksyon mula kina James, Dwyane Wade at Chris Bosh.

Natumpok ang ‘Big Three’ ng pinagsamang 85 points sa 109-93 paggiba ng Miami sa San Antonio sa Game 4 para itab­la sa 2-2 ang kanilang best-of-seven cham­pionship series.

Pag-aagawan ng Heat at Spurs ang ma­laking 3-2 bentahe sa kanilang banggaan sa Game Five ngayon.

“We would love to do what we did last game every game,” sabi ni James. “But every game is different. Every game pre­sents challenges. We haven’t been able to string games like that for the Big Three this postseason.”

“But we’re still here. We’re still in a po­sition to win an NBA championship. And that’s what’s most important,” dagdag pa ng four-time MVP awardee.

Umiskor si James ng 33 points sa Game 4 matapos magtala ng average na 16.7 sa kanilang unang tatlong laro sa serye.

Ang dalawang sunod na panalo ang mag­papanatili sa korona ng Miami.

“If we don’t do two, we won’t win a cham­pionship. I wasn’t that smart in school, but I do know that,” sabi ni Wade.

Huling natalo ng dalawang sunod na beses ang Spurs sa San Antonio ay no­ong Marso 28 at 31, 2011.

BIG THREE

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

GAME

GAME FIVE

MIAMI HEAT

SAN AN

SAN ANTONIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with