Ping-pong
“Di ko na malaman kung saan ako lalagay dito sa NBA Finals na ito.
Parang ping-pong ang laban at kung magkatalo man ay madalas na tambakan sa huli. Matapos ang apat na laban, tabla ang best-of-seven series sa 2-all.
Lalaruin ang Game 5 bukas sa San Antonio. Siguradong pukpukan ito, dikit man o tambakan, dahil kung sino man ang mananalo ay kukuha ng napakalaking advantage.
Kung manalo ang Miami, tutungo sila sa home court nila na abot tenga ang ngiti dahil doon na gaganapin ang Games 6 at 7 -- kung kakailanganin man.
Iba ang nasa homecourt. At siguradong magiging factor na dito ang pagiging defending champions nina LeBron James at Dwyane Wade.
Kaya hindi papayag ang Spurs nina Tim Duncan at Tony Parker na mapasailalim sila sa serye, 3-2.
Sa seryeng tabla sa 2-2, kung sino man ang manalo ng Game 5 ay madalas na nagiging kampeon. Ibang psychological advantage na isang panalo ka na lang champion ka na.
Kaya kung gustong mag-champion ng Spurs, magpapakamatay na sila dito sa Game 5 at umasa silang maka-isa sa Miami.
Ang prediction ko dito ay mananalo ang San AnÂtonio sa Game 5 at muling babangon ang Miami sa Game 6.
Ibig sabihin, gusto kong makakita ng Game 7 sa NBA Finals na ito at kung mangyari man, sana naman ay maging exciting ang pang-huling laro ng season.
Nasabi ko na noon na sa seryeng ito ay sa Miami ang pusta ko. Pero kung mag Game 7 man ay baka sumandal na lang siguro ako sa upuan para mag-enÂjoy ng laro.
Bahala na si Batman.
- Latest