Sports Festival for Street Children
MANILA, Philippines - Sa pakikiisa sa Child Hope Asia Philippines at sa High Five Hope Foundation, pinamunuan ni PSC Commissioner-in-charge of Sectoral Sports Akiko Thomson-Guevara ang 6th Annual Sports Festival for Street Children na idinaos noong Hunyo 9–13 sa Ninoy Aquino Stadium at sa Rizal Memorial Sports Complex.
Ang mga koponang sumali sa basketball, volleyball, futkal (football kalye) at badminton ay ang Binondo/Delpan/Divisoria, Blumentritt, Ermita/Malate, Monumento/Balintawak/Mayon, Luneta/Pier at BacÂlaran/Buendia/Pasay.
Ang mga nagwagi sa kani-kanilang kompetisyon ay ang Futkal - Binondo/Divisoria, gold; Monumento/Mayon/Balintawak, silver; Luneta/Pier, bronze. Sa Basketball Midgets - Binondo/Divisoria, gold; Blumentriit, silver at Lawton/Morayta, bronze. Sa Basketball Juniors - Binondo/Divisoria, gold; Ermita/Malate, silver at Luneta/Pier, bronze.
Ang event ay pinamunuan nina Project Director Atty. Jay Alano, Child Hope Asia President at Executive Director Teresita Silva, Hope for Children United Kingdom representative Kevin Connolly at High Five Hope Foundation Patricia Hizon at sinuportahan ng Hope for Children, Amy Foundation, Museo Pambata, Maynilad, Citiglobe volunteers, Accenture, Toy Kingdom, Jollibee, Malayan InsuÂrance, Convergys, Texicon at Coca Cola.
- Latest