Imbestigasyon ng HKFA sa Azkals may linaw na
MANILA, Philippines - May lumabas na sa imÂbestigasyon na ginawa ng Hong Kong Football Association (HKFA) sa panunuya na ginawa sa Philippine Azkals sa idinaos na friendly game sa nasabing bansa noong Hunyo 4.
Hindi naman nagbigay ng ulat ang HKFA sa natuklasan upang hindi masira ang isinasagawa pang imbestigasyon.
Ininsulto ng mga panatiko ng Hong Kong ang mga fans ng Azkals at tinaÂwag silang “nation of slaves, nation of maids.â€
Binato rin ng mga mineÂral water ang kampo ng Azkals habang sila ay nagdiriwang matapos kunin ang 1-0 panalo.
Kasabay nito ay dineÂpensahan din ng HKFA ang kanilang fans sa ikinilos sa ipinalabas na statement noong Biyernes.
“Hong Kong fans have a long standing and deserved reputation for their passion for football blended with decency and friendliness towards opposing fans and teams,†wika ng statement.
“The vast majority of fans at the match in question behaved in a respectful and peaceful manner. It is important that their exemplary behavior is acknowledged. The allegation of racist and discriminatory behavior and the initial investigation concerns the behavior of a small minoÂrity of people,†dagdag ng kalatas.
Hindi pa naman umano nakukuha ng HKFA ang complaint mula sa Philippine Football Federation na ipinaabot sa FIFA pero kumikilos na ang asosasyon para hindi na maulit ang ‘di magandang pangyayari.
“The HKFA will not toleÂrate any acts of racism or discrimination from spectators, players, coaches or administrators and will take the appropriate action against offenders.
“The HKFA would like to make it clear that it will participate willingly and diligently in any further investigation instigated by FIFA. Furthermore, it goes without saying that the HKFA will respect and comply with any ruling made by FIFA,†pahayag pa ng statement.
Ang FIFA ay inaasaÂhang magsasagawa rin ng kanilang imbestigasyon sa pangyayari.
- Latest