Babangon ang Road Warriors
Shocking!
Hanggang ngayon ay marami ang hindi makapaniwalang natalo ang NLEX Road Warriors sa Blackwater Sports sa best-of-three Finals ng PBA D-League Foundation Cup.
At hindi basta natalo. Ipinalasap ng Elite sa Road Warriors ang pait ng 2-0 sweep.
Kung titingnan ang dalawang laro, aba’y parang kayang-kaya sana ng NLEX ang Blackwater Sports dahil sa malaki ang inilamang nila sa first half. Pero sa magkaparehong laro ay nagbalik ang Elite sa third quarter upang magwagi.
Inamin ni team manager Ronald Dulatre na nasaktan sila sa pagkatalo. Pero tapos na iyon, e. Nabigo na silang makumpleto ang misyong five-peat. May bagong koponang nakoronahan bilang hari sa PBA D-League.
“We will take this loss as an extra motivation going into the next conference,†ani Dulatre.
Pero alam niyang hindi magiging madali ang pagbawi. Kasi, hindi lang namang Blackwater Sports ang gustong humiya sa kanila. Lahat ng koponang kalahok sa PBA D-League ay puspusang naghahanda at nagpaÂpalakas.
E, ang NLEX pa’y mawawalan ng mga manlalaro.
Kasi’y nagpaalam na daw sina Gregory Slaughter, Niko Salva, Eric James Camson at Bryan Vilarias na lalahok sa PBA Amateur Draft na nakatakda sa NobÂyembre 3.
“Hindi naman namin ugali na pumigil sa kagustuhan ng players namin,†ani Dulatre “Isa naman iyon sa goals ng team, e. Gusto naming tulungan ang mga players na mapaghandaan ang kanilang kinabukasan.â€
Maiiwan pa naman daw ang anim na Gilas Cadet players na sina Garvo Lanete, Kevin Alas, RR Garcia, Matthew Ganuelas, Ronald Pascual at Jake Pascual na itinanghal na Most Valuable Player ng nakaraang Foundation Cup.
At least, iyon ang kanyang understanding sa kasaluÂkuyan bagamat baka magbago pa ang isipan ng ilan sa mga ito at umakyat na rin sa pros.
Mananatili sa poder ng NLEX ang Ameikanong si Kirk Long at baka magpatuloy pang maglaro sa kanila si Borgie Hermida depende sa kanyang magiging de- sisyon. Puwede din kasing umakyat ito sa PBA kung may kukuha sa kanya bilang isang free agent.
Sa ngayon ay titingin na daw si Dulatre at ang coaching staff ng NLEX ng mga collegiate standouts na puwedeng idagdag sa koponan. Ayon sa sources, isa sa puwedeng maidagdag sa team ay ang Ateneo Blue Eagles superstar na si Kieffer Ravena.
Nais nina Dulatre na paghandaan na ang susunod na D-League tournament habang maaga pa. Kasi nga, ang nakaraang Foundation Cup ay naÂging pinakamatin-di nilang hamon.
“We started the tournament at 0-2. But we won our remaining games to top the elims. We did not take Blackwater Sports lightly. We prepared well, but they played superb basketball in their first finals appearance, most especially in the second half of Games 1 and 2. I give credit to them for gambling on their defense by zoning us,†aniya.
Alam naman daw ni Dulatre na darating ang pagkakataong magÂwawakas ang kanilang winning streak.
Tanggap na niya ang nangyari at handa na silang magsimulang muli.
Patutunayan nilang bilang totoong kampeon ay kaya nilang bumangon.
- Latest