Payo ni Isaac kina Chua, Celiz bago magpa-draft sa PBA, pag-isipan n’yo muna!
MANILA, Philippines - Hinimok ni PBA D-LeaÂgue champion coach Leo Isaac ang kanyang mga manlalarong nais na sumali sa PBA Drafting na pag-isipang mabuti ang magiging desisyon upang matiyak ang patuloy na pag-usbong ng kanilang mga basketball careers.
Ang Elite ang hinirang na kampeon sa Foundation Cup nang kanilang guÂlatin ang 4-conference champion NLEX Road Warriors gamit ang 2-0 sweep sa best-of-three Finals series at nanguna para sa koponan ni Isaac at pag-aari nina Dioceldo at Silliman Sy, sina Allan Mangahas, Justin Chua at Rob Celiz.
Sina Chua at Celiz ay nagbabalak na sumama sa PBA Drafting at bagama’t sinabi ni Isaac na parehong puwede na ang dalawa sa pro-league, dapat pa rin nilang tingnan ang kalidad ng mga manlalarong magnanais na mapili ng mga PBA teams.
“Physically and mentally ay ready na ang dalawang ito. Pero sa drafting, ang mahalaga dyan ay kung saan ka mapupuwesto at ano ang magiging value mo. Kaya dapat tingnan muna nila kung masikip ba ang drafting this year. Baka naman mas maganda na maglaro pa sila sa D-League ng isang taon, magpagaling pa para tumaas ang kanilang value,†wika ni Isaac nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon.
Kasama sa pagtitipon ang tatlong nasabing manlalaro at sina Chua at Celiz ay nagsabing pinag-aaralan nilang mabuti ang sitwasyon bago magdesisÂyon kung itutuloy o hindi ang pagpasok sa PBA.
“One-time, big-time ang Drafting dahil kung hindi ka mapili, mahihirapan kang mapasok pa sa PBA teams. Hihingiin ko talaga ang advise ni coach at iba pang taong malalapit sa akin tutal sa November pa gagawin ang Drafting at may panahon pang mag-isip,†wika ng 6’5 na si Chua na dinomina ang mga daÂting kakampi sa Ateneo na sina Greg Slaughter at Nico Salva na nasa NLEX.
“Alam naman ni coach ang laro ko kaya siya talaga ang puwedeng magsabi sa akin. Hindi naman ako nagmamadali at pakikinggan ko ang advice niya,†ani ni Celiz.
Sa panig ni Mangahas na isang free agent, pinagta-tryout siya ni Meralco Bolts coach Ryan Gregorio pero kung sakaling hindi siya pumasa, ay handa rin siyang bumalik sa Elite na magtatangkang idepensa ang titulo sa susunod na PBA D-League ConfeÂrence na magsisimula matapos ang aksyon sa UAAP at NCAA leagues.
- Latest