Gilas winalis ang Lithuanian U-20 team
MANILA, Philippines - Winalis ng Gilas National team ang dalawang laro nila ng Lithuanian U-20 team sa pamamagitan ng 88-84 panalo noong Huwebes sa Svyturio Arena sa Klaipeda City, Lithuania.
Todo ang laro ng U-20 team matapos banatan ng mga mamamahayag sa kanilang bansa nang lumasap ng 75-83 pagkatalo sa unang pagkikita noong Martes pero handa ang Gilas para kunin din ang ikaapat na panalo sa limang naunang tune-up games.
May 27 puntos si Marcus Douthit, 18 ang ginawa ni Gary David habang 12 ang hatid ni Ranidel De Ocampo para sa tropa ni coach Chot Reyes na nagkaroon lamang ng pitong errors sa kabuuan ng laro.
“Repeated over 20-under Lithuanian NT in a physical intense match, 84-88. Rested Ping (Marc Pringris) who’s nursing a strained shoulder. 7 TOs only,†wika ni Reyes sa kanyang tweeter.
May 24 puntos si Tomas Lekunas habang 23 ang ginawa ni Vaidas KariÂniauskas para sa host team na lumayo ng samÂpung puntos, 25-15, matapos ang unang yugto.
Pero umarangkada ang laro ng Gilas sa magÂkabilang dulo ng court para kunin ang ikalawa (21-14) at ikatlong quarters (25-18) at hawakan ang 61-57 kalamangan. Parehong umiskor ang dalawang koponan ng tig-27 sa huÂling yugto para mapangaÂlagaan ang apat na puntos na bentahe.
Bukod sa paglimita sa turnovers, nasiyahan din si Reyes sa magandang teamwork ng kanyang koponan matapos magtala ng 24 assists bukod pa sa pagkakaroon ng 41% shooting sa 3-point line.
Anim na tune-up gaÂmes lamang ang orihinal na dapat sabakan ng Gilas ngunit nadagdagan ito ng isa para magkaroon ng tatlong sunod na laro ang koponan bago bumalik ng Pilipinas.
“Instead of 1, were plaÂying 2 more games (tom & Sat) to simulate d 3 straight games sked of FIB A. So total of 7 games here,†dagdag ni Reyes.
Kalaban ng Gilas noÂong Biyernes ang LSU-Baltai, ang nagpalasap ng nataÂtanging pagkatalo ng Gilas, bago wakasan ang tune-up games laban sa BirsÂtono Jazz Diremta.
- Latest