^

PSN Palaro

Ginebra import kumpiyansa kay Aguilar

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Dior Low­horn na magiging ma­ganda ang kanilang tambalan ni Japeth Aguilar para sa kampanya ng Barangay Ginebra sa darating na 2013 PBA Governors Cup na magbubukas sa Agosto 14.

Sinabi ni Lowhorn sa kanyang Facebook account na nakalaro na niya ang 6-foot-8 na si Aguilar sa tryout ng Santa Cruz Warriors, isang koponan sa NBA D-League, noong nakaraang taon.

“My boy Japeth is finally with Ginebra! Got a chance to workout and chat with him at the Santa Cruz Warriors tryout last year,” wika ng 6’5 na si Lowhorn kay Aguilar na nahugot ng Gin Kings mula sa isang trade sa Globalport Batang Pier kapalit ni 6’8 rookie Yousif Taha.

Kaagad na hinangaan ni Lowhorn, naglaro sa koponan ng Saigon Heat sa Asean Basketball League, si Aguilar.

Bago siya magkaroon ng isang knee injury, pinamunuan ng 26-anyos na si Lowhorn ang ABL statistical sheets mula sa kanyang mga averages na 26.67 points at 8.42 rebounds.

Samantala, ipaparada ng 2013 PBA Commissioner’s Cup champion na Alaska si Wendell McKi-nes, ang sinasabing ma­laking bersyon ni rookie forward Calvin Abueva.

Ibabalik naman ng Air21 si Zach Graham kagaya ng pagpaparada ng San Mig Coffee kay Marqus Blakely, habang muling kinuha ng nagdedepensang Rain or Shine si 2011 Governors’ Cup Best Import Arizona Reid.

Muling paglalaruin ng Talk ‘N Text si Tony Mitchell na naglaro sa semifinals series ng 2013 PBA Commissioner’s Cup.

AGUILAR

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

BARANGAY GINEBRA

CALVIN ABUEVA

CUP BEST IMPORT ARIZONA REID

DIOR LOW

GIN KINGS

GLOBALPORT BATANG PIER

LOWHORN

SANTA CRUZ WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with