Masaker sa Texas Green, Neal pinaulanan ng tres ang Miami
SAN ANTONIO -- Sina DanÂny Green at Gary Neal ay hindi mga NBA royalty kagaya ni LeBron James.
Binanderahan nina Green at Neal ang San AnÂtonio Spurs sa 113-77 paglampaso sa nagdedepensang Miami Heat sa Game 3 para kunin ang 2-1 bentahe sa kanilang NBA championship series.
Tumipa si Green ng pito sa finals-record na 16 three-pointers ng Spurs, habang humakot si Tim Duncan ng 12 points at 14 rebounds.
Nagposte si Green ng 27 points at nagsalpak si Neal ng anim na 3-pointers para sa kanyang 24 marÂkers para sa San Antonio na nagposte ng 16-of-32 shooting sa 3-point range.
‘’Those guys shot incredibly,’’ sabi ni Duncan kina Green at Neal. “Gave us the breathing room when we needed it.’’
Magiging mahalaga si Neal sa kabuuan ng serye dahil sasailalim si starting point guard Tony Parker sa isang MRI sa Miyerkules.
Bumawi si Duncan mula sa malamya niyang inilaro sa kanilang kabiguan sa Game 2 sa Miami.
“It shouldn’t be a surprise,’’ sabi ni Spurs coach Gregg Popovich. “These are the last two teams stanÂding. I don’t think either one of them is going to get down if they have a bad night.’’
Nilimitahan ng Spurs si James kasabay ng pagtatayo ng malaking bentahe sa dulo ng third quarter.
Tumapos si James na may 15 points at 11 rebounds, ngunit naimintis ang 11 sa kanyang unang 13 shots laban sa depensa ni Kawhi Leonard na nagÂlista ng 14 points at 12 rebounds para sa San AnÂtonio.
“Honestly, I just have to play better,’’ ani James. “I can’t have a performance like tonight and expect to win.’’
Nakatakda ang Game 4 sa Huwebes.
May 3-22 record ang Heat sa San Antonio sa regular season.
“We got what we deserved,’’ sabi ni Miami head coach Erik SpoelsÂtra. “I didn’t even reÂcognize the team that was out there tonight.’’
Kumolekta sina ParÂker at Manu Ginobili ng pinagsamang 14 assists, ngunit sina Green at Neal ang umagaw ng eksena.
- Latest