^

PSN Palaro

V-League stars babandera sa Phl sa SEA elims

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang national team na binubuo ng mga kama­dor ng top four teams sa nakaraang Shakey’s V-League ang sasabak sa South East Asian Qualification tournament sa Hun­yo 14-16 sa Quang Tri, Vietnam.

Inutusan ng Philippine Olympic Committee ang Sports Vision Management Group, Inc., ang organizer ng V-League, na bumuo ng isang malakas na koponan.

Ito ay matapos tumanggi ang Philippine Volleyball Federation, ang National Sports Association (NSA) para sa volleyball, na magpadala ng tropa para sa event na nagsisilbing qualifying para sa Asian Zonals.

Ang Asian Zonals ay ang elims para sa 2014 World Volleyball Cham­pionships.

Tumiwalag ang PVF, tumatanggap ng $7,000 subsidy mula sa organizing Asian Volleyball Federation bukod pa sa full board and lodging at land transportation, sa nasabing torneo.

At ang AVC ay inutusan ng POC na bumuo ng National team para makaiwas sa sanctions.

Sinabi ng PVF, walang national pool, na gahol na sila sa panahon para bumuo ng koponan kasama na ang kawalan ng pondo.

Ang Philippine Sports Commission ang siyang gagastos sa airfare ng kopo­nan, hiningi ng Sports Vision ang suporta ng Smart Communications para sa sponsorship at ang Accel  bilang official outfitter.

Ang limang players mula sa champion team na National University na sina conference MVP Dindin Santiago, Finals MVP Rubie de Leon, Myla Pablo, Jennylyn Reyes at 6-4 Jaja Santiago ang babandera sa koponan.

Kasama rin sina Alyssa Valdez ng Ateneo, Maika Ortiz at Rhea Dimacula­ngan ng UST, Iari Yongco, Pau Soriano ng Adamson, Iari Yong ng La Salle-Dasmariñas at Suzanne Roces.

Si Roger Gorayeb ang head coach katuwang sina Edjet Mabbayad at Ariel dela Cruz ng NU bilang assistants.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ANG ASIAN ZONALS

ANG PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ASIAN VOLLEYBALL FEDERATION

ASIAN ZONALS

DINDIN SANTIAGO

EDJET MABBAYAD

IARI YONG

IARI YONGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with