Warriors muling giniba isang tagay na lang sa Beermen
MANILA, Philippines - Hindi pinakawalan ng San Miguel Beer ang maÂgandang break na ibinigay ni Indonesia Warriors coach Todd Purves nang kunin ang 66-65 panalo sa Game Two ng ASEAN Basketball League (ABL) Finals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Napag-iwanan ng isang puntos sa huling 6.8 segundo, nabiyayaan ang Beermen na makapagdiskarte ng mahalagang play nang sa di inaasahang pangyayari ay tumawag ng timeout si Purves.
Wala ng timeout si Beermen coach Leo AusÂtria sa puntong iyon at pinagbayad niya ang nagdedepensang kampeon nang makagawa ng mahusay na inbound play si Leo Avenido para kay Brian Williams tungo sa winning basketball.
“Six seconds left and we don’t have any timeout. But they gave us a timeout maybe they were afraid of our play and they organized their defense,†wika ni Austria.
Ang panalo ay nagsulong sa 2-0 sa kalamaÂngan ng Beermen. Puwede niÂlang tapusin ang best-of-five title series sa Mahaka Square sa Jakarta, Indonesia kung manalo ng isa sa dalawang home game ng Warriors.
Ibinigay ni Stanley Pringle ang 65-64 kalamangan sa huling 22.7 segundo sa mahirap na spin-drive bago diniskaril ni Christian Sitepu ang opensa ng Beermen nang butatain si Avenido para sa sideout ng home team sa huling 6.8 segundo.
Sinikap ni Pringle na ipanalo ang Warriors sa kanyang coast-to-coast drive pero napalakas ang kanyang bitiw para sa isang mintis.
“Coach Leo drew up a play and I got the winning basket. Sometimes, he just comes out with his own stuff,†pahayag ni Williams na mayroong 17 puntos at 16 rebounds.
May 12 puntos si Chris Banchero habang tig-walo an ginawa nina Asi Taulava at Avenido.
- Latest