James babantayan ni Leonard
SAN ANTONIO--Nasa kanyang bahay lamang ang second-year pro na si Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs at pinanood ang 99-76 paggiba ng MiaÂmi Heat sa Indiana Pacers sa Game 7 ng Eastern ConÂference finals series.
Hindi iniisip ni Leonard kung paano niya babantayan si Heat guard LeBron James sa kanilang NBA Finals na magsisimula sa Huwebes sa Florida.
“I was just laying (down), seeing who we were going to play,†sabi ni Leonard.
Inirerespeto ni LeoÂnard si James, at masaya lamang siya na malaman kung sino ang lalabanan ng Spurs sa NBA Finals.
Makaraang walisin ang Memphis Grizzlies sa Western Conference finals, babantayan ng 6-foot-7 na si Leonard si James, ang reigning NBA Finals MVP at two-time league MVP na nagtatala ng mga aveÂrages na 26.2 points, 7.3 rebounds at 6.4 assists sa playoffs.
“It’s just a great challenge for me to try to help my team win by playing good defense on him,†wika ni Leonard. “I just accept the challenge and am ready to play.â€
Kabilang sa mga nadepensahan ni Leonard sa playoffs ay sina Golden State scorer Stephen Curry at Memphis power forward Zach Randolph.
May mga averages na 24 points at 10 assists sa kanilang panalo sa Denver Nuggets, napigilan ni LeoÂnard si Curry sa 18.2 points at 6 assists sa kanilang serye.
Nalimitahan ni Leonard si Randolph na naglista ng mga averages na 18.4 points at 10.8 rebounds sa paggupo sa Oklahoma City Thunder sa 11 points at 12 rebounds.
“He’s great on offense and defense,†ani Leonard, may 7-3 wingspan, kay James.
- Latest