^

PSN Palaro

Djokovic, Nadal pasok sa quarters

Pilipino Star Ngayon

PARIS--Nalampasan ni Novak Djokovic ang ka­pighatian, habang ipinagdiwang ni Rafael  Nadal ang kanyang kaarawan sa center court crowd sa quarterfinals ng French Open.

Naglaro dalawang araw matapos ang pagkamatay ng kanyang childhood coach, tinalo ng top-ranked na si Djokovic si Philipp Kohlschreiber ng Germany, 4-6, 6-3, 6-4, 6-4.

Ibinigay ni Djokovic ang panalo kay Jelena Gen­cic, ang kanyang childhood coach na namatay sa Belgrade sa edad na 76-anyos.

Anim na taon pa lamang si Djokovic ng turuan siya ni Gencic na tinatawag niyang ‘’second mother.’’

At ang kanyang paghahari sa French Open ang magiging paraan niya para parangalan si Gencic.

Lalabanan niya sa quarterfinals si 12th-seeded Tommy Haas ng Germany.

Nagtala naman ang seven-time French Open champion na si Nadal ng 6-4, 6-1, 6-3 panalo kontra kay Kei Nishikori kasunod ang pagdiriwang ng kanyang ika-27 kaarawan.

Makakatapat niya si  No. 9  Stanislas Wawrinka.

DJOKOVIC

FRENCH OPEN

GENCIC

JELENA GEN

KEI NISHIKORI

NADAL

NOVAK DJOKOVIC

PHILIPP KOHLSCHREIBER

STANISLAS WAWRINKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with