^

PSN Palaro

Banchero, Taulava may laban sa MVP

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sina Chris Banchero at Asi Taulava ng San Miguel Beer ay kasama sa limang manlalaro na pinagpipilian para maging 2013 ASEAN Most Valuable Player sa ASEAN Basketball League.

Nakasama ng dala­wang Beermen sina Filipino  imports Froilan Baguion ng Sports Rev Thailand Slammers at Jai Reyes ng Saigon Heat at Mario Wuysang ng Indonesia Warriors.

Pangangalanan ng pamumuan ng ABL ang MVP ngayon.

Kinilala ang nagawa nina Banchero at Taulava para maiposte ng Beermen ang 16-game winning streak tungo sa paghablot ng unang puwesto sa elimination round sa  19-3 karta.

Hindi man nakasama sa kabuuan ng winning run, lalabas na produktibong taon pa rin ito kay Banchero matapos maghatid ng 16.4 puntos average kada laro.

Ang 6’9  na si Taulava ay hinahangaan dahil sa edad na 40 ay kaya pa rin niyang sabayan ang mga bata at mahuhusay na manlalaro sa ABL. Patunay ito sa kanyang 10.9 puntos at 7.4 rebounds averages.

Si Baguion na dati ay manlalaro ng Beermen, ang nangunguna sa assists (9.2 feeds) at pangalawa sa steals (2.7 steals) at kauna-unahang manlalaro sa liga na nakaposte ng triple-double (10 puntos, 11 rebounds at 11 assists) noong Abril 5 laban sa Heat.

May 13.80 puntos, 5.95 assists at  2.7 rebounds ang ibinibigay ni Reyes para sa Saigon Heat habang si Wuysang ang humalili sa puwestong pansamantalang iniwan ng na-injured na si Stanley Pringle matapos umiskor ng double-digits ng 12 beses at may 11.9 points average sa taon.

ASI TAULAVA

BANCHERO

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

FROILAN BAGUION

INDONESIA WARRIORS

JAI REYES

MARIO WUYSANG

MOST VALUABLE PLAYER

SAIGON HEAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with