^

PSN Palaro

Indiana sinilaban sa Miami Heat kakasa sa Spurs sa NBA finals

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Umiskor si LeBron James ng 32 points, habang nagdag­dag si Dwyane Wade ng 21 para pangunahan ang Miami Heat sa 99-76 paglampaso sa Indiana Pacers sa Game 7 ng ka­ni­lang Eastern Conference championships series sa American  Airlines Arena.

Bumalikwas ang Heat, hindi pa natatalo ng dalawang sunod sapul noong Enero 10, mula sa kanilang kabiguan sa Game 6 sa Indianapolis para umabante sa kanilang ikatlong dikit na finals appearance.

Makakatapat ng Miami ang San Antonio Spurs para sa NBA Finals na magsisimula sa Huwebes sa South Florida.

Kasama ang kanilang labanan sa regular season, may  5-5 record ang  Heat at  ang Pacers sa kanilang 10 ulit na paghaharap, ngunit naipanalo ng Miami ang pinakaimportanteng laro.

Bumangon si Wade mula sa 12 sunod na laro kung saan hindi siya naka­ka-­iskor ng higit sa 20 points na pinakamahaba ma­tapos ang kanyang roo­kie year.

Nalimita si Wade, nagtala ng average na 21.2 points sa regular season, ng Indiana sa 14.6 points per game sa unang anim na laro sa serye,

Sa Game 7, nagposte si Wade ng 7-of-16 fieldgoal shooting at tumipa ng 7-of-7 sa free throw line.

Naglista naman si Chris Bosh ng puntos mula sa 3-of-13 shooting bukod pa sa 8 rebounds.

Nadepensahan ng Heat sina Pacers stars Roy Hibbert at Paul  George na kumana lang ng 18 at 7 points, ayon sa pagkaka­sunod.

Nakuha ni George ang kanyang ikaanim at huling foul kay James sa 7:43 sa fourth quarter.

Muling nabigo ang Pa­cers, hindi pa nananalo ng NBA title, na makapasok sa NBA Finals sa ikalawang pagkakataon sa kanilang franchise history.

Umabante ang Pacers sa NBA Finals noong 2000 sa pamumuno nina Reggie Miller at Jalen Rose at natalo sa Los Angeles Lakers nina Shaquille O’Neal at Kobe Bryant, 2-4.

AIRLINES ARENA

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

INDIANA PACERS

JALEN ROSE

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with