Elite, waves magpapatayan para sa huling finals slot
Laro Ngayon
(Blue Eagle Gym)
3 p.m. Blackwater Sports vs Boracay Rum
MANILA, Philippines - Aalamin ngayon kung sino sa pagitan ng Blackwater Sports at Boracay Rum ang makakalaban ng NLEX Road Warriors sa do-or-die game ng PBA D-League Foundation Cup semifinals sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.
Nauwi sa isa’t-isa ang labanan ng Elite at Waves nang maghati ang dalawang koponan sa tig-isang panalo.
Nakauna ang tropa ni coach Leo Isaac, 79-69, bago nakatabla ang bataan ni coach Lawrence Chongson, 69-65.
Sa ganap na alas-3 ng hapon itinakda ang bakbakan at parehong may kumpiyansa ang dalawang coaches sa kapasidad ng kanilang mga manlalaro na makuha ang mahalagang panalo na mag-aabante sa kanila sa Finals.
“Palaban pa rin kami at kailangan pa rin na manalo ng isang laro. May tiwala ako sa mga players ko,†wika ni Isaac.
“Masaya na kami at nakaabot kami sa semifinals. Pero naririto na rin kami kaya’t sisikapin namin na makuha ang panalong ito,†wika ni Chongson.
Lakas sa rebounding ang kailangan na muling maipakita ng Waves. Sa Game Two ay dinomina nila ang Elite sa aspetong ito, 56-41, upang pawiin ang mahinang 33.8% shooting
Sina Kenneth Acibar, Maclean Sabelina, Raymund Ilagan, Jonathan FerÂnandez at Marcy Arellano ang mga aasahan sa Waves para palawigin ang makasaysayang kampanya sa liga. Ito ang unang pagkakataon na nasa Final Four ang koponan.
Mas magandang shooÂting ang isa sa dapat na gawin ng Elite bukod pa sa muling pagganda ng laro ng kinikilalang leader na si Allan Mangahas.
May 30.8% shooting (20-of-65) lamang ang Elite sa huling laro at si Mangahas ang nanguna sa may masamang pagbuslo sa 1-of-11 shooting.
Naghihintay na sa Finals na paglalabanan sa best-of-three ang Road Warriors matapos walisin ang Big Chill, 66-59 at 80-71. (ATan)
- Latest