Beermen kakasa sa Warriors sa ABL finals
Laro sa June 7
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
8 p.m. San Miguel Beer vs Indonesia Warriors
MANILA, Philippines - Itinakda ng San Miguel Beer ang muling pakikipagtuos sa Indonesia Warriors nang kalusin na ang Sports Rev Thailand Slammers, 77-61, noong Huwebes ng gabi sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.
Ang mga locals na sina Paolo Hubalde at Asi Taulava ang namuno sa BeerÂmen sa kanilang 16 at 15 puntos at ang dalawa ay nagsanib sa 12-of-18 shooting.
Si Brian Williams ay mayroong 10 puntos, 9 rebounds, 4 assists, 2 steals at 2 blocks habang kabuuang 20 puntos ang pinagtulungan nina Chris Banchero, Jeric Fortuna at Justin Williams na mayroon pang 9 rebounds at 3 blocks para ibigay sa Beermen ang 3-1 panalo sa best-of-five semis series.
May 15 puntos, 9 rebounds at 6 blocks si 7-foo-ter Christien Charles pero siya lamang ang nagdala sa Slammers dahil mahina ang ipinakita ni Froilan Baguion habang ang isa pang import na si Darrius Brannon ay 13 minuto lamang naglaro matapos dumanas ng knee injury na bagsakan ng kanyang kakamping si Darongpan Apiromvilaichai sa second period.
“We’ve learned a lot of things in our games against the Slammers and that will help us against the Indonesia Warriors,†wika ni Beermen coach Leo Austria.
Ang Warriors ay nasa Finals na nang walisin ang Westports Malaysia Dragons, 3-0, sa kanilang serye.
Homecourt advantage ang Beermen at ang Game one ay lalaruin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa Hunyo 7.
Sa third period kumaÂwala ang laro ng Beermen nang kunin ang quarter, 20-11, tungo sa 53-41 kala-mangan.
Pinakamalaking bentahe sa laro ay sa 21 puntos, 72-51 sa split ni Taulava, may 1:41 sa orasan upang wakasan ang kampanya ng number four team na Slammers.
- Latest