Isang tagay na lang sa San Miguel Beer
Laro Ngayon
(Nimibutr Stadium,
Bangkok)
8 p.m. Sports Rev
Thailand Slammers
vs San Miguel Beer
MANILA, Philippines - Binawi uli ng San MiÂguel Beer ang homecourt advantage sa Sports Rev Thailand Slammers nang kunin ang 70-62 panalo sa Game Three ng ASEAN Basketball League (ABL) semifinals noong Martes ng gabi sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.
Inilabas ng Beermen ang kanilang masidhing determinasyon na manalo sa lugar ng kalaban nang maisantabi ang pagkawala ng dalawang imports sa huling 3:50 ng labanan at hawakan ang mahalagang 2-1 kalamangan sa best-of-five series.
Sina Chris Banchero, Erik Menk at Asi Taulava ang sinandalan ng Beermen noong nakapanakot ang Slammers na agawin ang panalo para matiyak na babalik ang serye sa Pilipinas kung sakaling mangailangan ng deciding Game Five.
“The Slammers refused to lose and that’s why they made a good run in the second half. I have to give credit to all my players because they didn’t give up,†wika ni Beermen coach Leo Austria.
Bagamat tumapos lamang sa mahinang 2-of-11 shooting, naipasok ni Banchero ang mahalagang jumper na nag-akyat sa pito, 65-58, ang kanilang kalamangan bago nagbuhos ng tatlong dikit na puntos si Menk para gawing siyam ang bentahe, 68-59, sa huÂling 1:23 ng labanan.
May 13 puntos at 6 reÂbounds si Taulava at siya ang sumagupa sa mga imports ng Slammers noong nawala dahil sa foul sina Brian Williams at Justin Williams sa 4:58 at 3:50 ng laro
Si Brian ang namuno sa Beermen sa kanyang 14 marka habang may 4 blocks at 9 puntos si Justin.
Pitong puntos ang ibiÂnigay ni Banchero habang lima ang idinagdag ni Menk.
- Latest