^

PSN Palaro

ABAP election kasado na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idaraos ng Association of Boxing Alliances in the Philippines Inc. (ABAP) ang kanilang unang Gene­ral Assembly at Organiza­tio­nal Elections bukas sa Quezon City Sports Club.

Dating kilala bilang Ama­teur Boxing Association of the Philippines, binago ng ABAP ang kanilang pangalan ayon sa mandato ng International Boxing Association (AIBA) na tinanggal na ang word amateur sa lahat ng organisasyon sa ilalim ng kanilang grupo.

 Ang dating “amateur boxing” ay tatawagin nang “open boxing.”

Ang bagong ABAP ay opisyal na kinilala ng AIBA, Philippine Olympic Committee at ng Philippine Sports Commission at ito ay nakarehistro sa Se­curities and Exchange Commission.

Sa nakaraang apat na taon, ang ABAP ay pinamunuan nina businessman-sportsman Manuel V. Pangilinan bilang chairman at Maynilad Water chief exe­cutive Ricky Vargas bilang president.

Ilang mga kumpanya sa ilalim ng MVP Group ang siyang nagtataguyod sa mga local tournaments at international exposures kasama pa ang mga incentives at benefits para sa mga boxers at coaches.

Ang principal sponsor ng ABAP ay ang pinakamalaking telecommunications network na PLDT at suportado ng Maynilad, Smart at ng MVP Sports Foundation.

Sinabi ni Vargas na mayroon silang 31 voting chapters sa buong bansa at karamihan dito ay mga LGU na pinagdarausan ng mga torneo.

Regular na nagsasagawa ang ABAP ng mga annual boxing tournaments sa Luzon, Visayas at Min­danao patungo sa national championships sa paghahanap ng mga potensyal na miyembro ng RP trai­ning pool.

ASSOCIATION OF BOXING ALLIANCES

BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

EXCHANGE COMMISSION

INTERNATIONAL BOXING ASSOCIATION

MANUEL V

MAYNILAD WATER

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with