Smart All-Women’s taekwondo tilt sa June 2
MANILA, Philippines - Sesentro ang atensyon sa mga lady jins sa Hunyo 2 sa pagsipa ng 2013 SMART National All-Women’s taekwondo championships sa Ninoy Aquino Stadium.
Nasa 600 ang bilang ng mga manlalaro na sasali sa isang araw na torneo na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association at suportado ng Philippine Sports Commission, SMART Communications, MVP Sports Foundation, PLDT, Meralco, TV5 at MILO.
Ayon sa organizing committee chairman Sung Chon Hong, ang mga kaÂtegoryang paglalabanan ay sa novice at advance at katatampukan ng aksyon sa senior, junior, cadet at grade school divisions.
Mayroon ding aksyon sa individual at team events sa Poomsae para sa mga coÂloÂred at blackbelt students.
Ang torneo ay bahagi ng mahalagang programs ng PTA para tumuklas ng mga may potential sa grassroots upang mapagÂyabong ang martial arts sport na ito.
Ang mga PTA chapters at mga branches sa Metro Manila at ibang probinsya bukod pa sa mga military branches ay magpapadala ng kanilang kalahok upang sukatin din ang husay ng mga pambato sa national team.
Sa ganap na alas-9 ng umaga magsisimula ang aksyon at bukas din ito sa mga nagsisimula sa taekÂwondo para makapulot ng dagdag aral sa nasabing tournament.
- Latest