Phl Youth team U-18 lalaro sa 3x3 FIBA World
MANILA, Philippines - Taong 1978 pa noong huling nakapaglaro ang Pilipinas sa World ChamÂpionship sa basketball.
Matapos ang mahigit na tatlong dekada, makikita uli ang Pilipinas sa World Championship pero sa pagkakataong ito ay sa 3-on-3 matapos magkampeon ang ipinadalang kopoÂnan na suportado ng Energen sa kauna-unaÂhang FIBA-Asia U-18 sa Bangkok, Thailand noong nakaraang linggo.
“Hindi namin inakala na mangyayari ito. Natalo kami sa unang game laban sa Qatar pero naipanalo naÂmin ang anim na sunod na laro, kasama ang sa India (21-19) sa Finals. Iba ang feeling dahil nakapagbigay kami ng karangalan sa bansa,†wika ni coach John Flores nang bumisita sa PSA Forum.
Ang mga players na kinuha ay sina Thirdy RaÂvena, Kobe Paras, Alvin Tolentino at Prince Rivero at ayon kay Flores ay hindi mga original players na kanyang ninais sa koponan.
Napilitan siyang baguÂhing ang line-up nang hindi pumuwede sina J-Jay Alejandro at Jay Javelosa.
Napaganda ang pangyayari dahil ang mga nakuhang sina Ravena at Paras ay madaling nagkaroon ng chemistry sa ibang kasamahan. Itinuro rin ni Flores na lahat ng manlaÂlaro ay may kakayahang dumepensa bukod pa sa kahusayan na araruhin ang depensa ng kalaban o bumuslo ng tres.
“Iba ang feeling dahil we took it one game at a time and did our best,†wika ni Ravena, anak ng dating PBA player Bong Ravena at nakababatang kapatid ni Kiefer ng UAAP champion team Ateneo.
Ang kampeonato ay nagresulta upang umaban-te ang koponan sa FIBA World na gagawin sa Jakar-ta, Indonesia mula SetÂyem-bre 27 hanggang 29.
Bubuuin ang palaro ng 48 teams kaya’t dadaan uli sa butas ng karayom ang koponan.
- Latest