Nangangamoy sweep! Duncan binitbit ang Spurs sa 3-0 lead
MEMPHIS, Tenn. -- Umiskor si Tim Duncan ng unang 5 points sa overtime at bumangon ang San Antonio Spurs mula sa isang 18-point deficit para talunin ang Memphis Grizzlies, 104-93, sa Game 3 ng kanilang Western ConfeÂrence championship series.
Ipinoste ng Spurs ang matayog na 3-0 abante para makalapit sa NBA Finals.
Ito ang pang-limang sunod na panalo ng San Antonio sa postseason.
Naalala ang pagkawala ng kanilang 2-0 lead sa kanilang West finals ng Oklahoma City Thunder at naipatalo ang apat na sumunod na laro noong nakaraang taon, rumesbak ang Spurs para talunin ang Grizzlies na nasa kanilang unang finals series.
Maaari nang tapusin ng San Antonio, nakalamang sa fourth quarter matapos maghabol sa first hanggang third period, ang series sa Game 4 sa Lunes sa Memphis.
Hangad ng Spurs na makapasok sa kanilang unang NBA Finals matapos makamit ang kanilang huÂling korona noong 2007.
Tumipa ang San Antonio ng 8-for-10 fieldgoal shooting sa overtime kung saan humugot si Duncan ng pito sa kanyang 24 points.
Umiskor naman si Tony Parker ng lima sa kanyang 26 points sa overtime, habang may 6 markers si Tiago Splitter para tumapos na may 11.
Pinangunahan ni Mike Conley ang Memphis mula sa kanyang 20 points, samantalang humakot si Marc Gasol ng 16 points at 14 rebounds.
Nagdagdag naman si Zach Randolph ng 14 points at 15 boards para sa Grizzlies at may 15 marÂkers si Quincy Pondexter.
Huling hinawakan ng Grizzlies ang unahan sa 85-84 iskor may 1:04 ang nalalabi sa regulation mula sa 15-footer ni Gasol.
Mula dito hindi nakaalpas ang Memphis at ang tanging nagawa nila ay ang makatabla ng dalawang ulit, na ang huli ay sa layup ni Randolph may 4:28 sa overtime.
Nadomina rin ng Spurs ang Grizzlies sa shooting, 58-42 upang tabunan ang kanilang 17 turnovers.
- Latest