UE tinapos ang streak ng La Salle
MANILA, Philippines - Apat na mahahalaÂgang puntos ang ibinigay ni Roi Sumang para sa UE sa huling isang minuto para wakasan ang limang sunod na panalo ng La Salle, 60-53, sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Bumuhos ng puntos si Sumang matapos ang tres ni Gab Reyes para idikit ng Archers ang iskor sa 54-53 para umangat ang Warriors sa ikalimang sunod na pa-nalo at 6-1 sa kabuuan.
May 12 puntos, 6 re-bounds at 4 assists si Su-mang upang ilagay din ang UE sa ikalawang puwesto kasunod ng Ateneo (6-1) sa Group B.
Ibinagsak naman ni Francis Abarcar ang 14 sa kanyang 22 puntos sa huling yugto para tuluÂngan ang San Beda na kunin ang 82-75 panalo sa University of Perpetual Help, habang nanalo ang Arellano sa Jose Rizal University, 83-67, sa iba pang mga laro.
Ang beteranong si BaÂser Amer ay may 15 puntos, 10 rebounds at 6 assists habang nabuhay uli ang 6’7 center na si Ola Adeogun sa kinamadang 13 puntos at 11 rebounds at makabaÂngon agad ang Red Lions mula sa pagkatalo sa Arellano sa huling laro tungo sa 4-2 karta.
Nalaglag ang Altas sa 1-5 karta at nasayang ang 22 puntos ni Juneric Baloria.
Isang 25-5 start ang ginawa ng Chiefs para agad na alisan ng anumang kumpiyansa ang Heavy BomÂbers at ilista ang ikaÂanim na panalo.
- Latest