Sitwasyon ni Abueva
Inimbitahan daw ni National coach Vincent “Chot†Reyes si Calvin Abueva upang makipag-ensayo sa Gilas Pilipinas.
Ito’y matapos na maipakita ni Abueva na kahit na rookie siya ay kaya niyang makipagsabayan sa mga beterano at matulungan ang Alaska Milk na talunin ang crowd-favorite Barangay Ginebra San Miguel sa best-of-five Finals ng nakaraang PBA Commissioner’s Cup.
Katunayan, si Abueva ang naging pinakamahigpit na karibal ni LA Tenorio ng Gin Kings para sa Best PlaÂyer of the Conference award. Natalo nga lang si Abueva kay Tenorio.
Pero okay na rin iyon. Kasi nga’y nagkampeon ang Alaska Milk. Sina Abueva at Raphael Reyes ang tanging mga rookies na nakatikim ng kampeonato sa kasalukuyang season.
At si Abueva na malamang ang itatanghal na Rookie of the Year. Sinabi na kasi ng top pick na si June Mar FaÂjardo ng Petron Blaze na malamang na talo na siya kay Abueva sa labanan para sa ROY award. At wala namang ibang baguhan na maigting ang maibibigay na challenge sa kanya.
Kahit na ang Slam Dunk King na si Chris Ellis ng BaÂrangay Ginebra ay malayung-malayo sa statistical points at halos imposible na makaabot pa kay Abueva.
So, talagang impressive si Abueva.
Kahit na si Alaska Milk coach Luigi Trillo ay nagsasaÂbing malaking bahagi siya sa championship puzzle ng Aces.
At wala naman nga sigurong magrereklamo kung idadagdag siya sa pool of candidates para sa Philippine team na lalaban sa 2013 FIBA Asia Men’s Championship na gaganapin sa Pilipinas sa Agosto.
Kailangan ni coach Chot ng mga karagdagang kanÂdidato dahil nga sa nanumbalik ang sakit sa dugo ni Kelly Williams at naaksidente si Jared Dillinger na kapwa nasa pool. May injuries nga rin sina Ranidel de Ocampo at Jimmy Alapag.
Hindi na hahadlang pa ang Alaska Milk sakaling kuÂkunin ng Gilas si Abueva. May isang Aces na kasama na sa pool at ito’y si Sonny Thoss.
Dahil tapos na ang Commissioner’s Cup at sa Agosto 14 pa magbubukas ang third conference ay hindi na masisira pa ang practice schedule ng lahat ng teams.
Kaya lang, parang hindi din uubra si Abueva, e.
Bakit?
Kasi’y noon pang Marso nananakit ang tuhod ng manlalarong tinaguriang “The Beast,â€
“He has a bone spur foliating in his kneecap. MasaÂkit iyon pero hindi niya iniinda,†ani Trillo. “Kaya nga iniisip niya kung magpapaopera siya.â€
Minor operation lang naman ito. Lilinisin lang naman ang kanyang tuhod. Pero kakailanganin ni Abueva na magpahinga ng tatlo hanggang apat na linggo.
So, kung matutuloy ang operasyon, hihintayin ba siya ng Gilas Pilipinas?
Iyon ang tanong, e.
Kasi nga’y baka naman maging unfair para sa ibang kandidato kung hihintayin si Abueva.
At kailan siya magpapaopera? Ngayon na ba o pagÂkatapos ng torneo sa Lithuania na lalahukan ng Gilas Pilipinas?
Kung minsan talaga mapagbiro ang tadhana, e.
- Latest