San Miguel tatabla sa Slammers
Laro Ngayon
(Philsports Arena,
Pasig City)
3 p.m. San Miguel Beer vs Sports Rev Thailand
MANILA, Philippines - Inaasahang babalik ang dating tikas na hindi nakita sa San Miguel Beer sa unang pagtutuos sa pagharap uli sa Sports Rev Thailand sa Game Two ng ASEAN Basketball League (ABL) semifinals ngayong hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sinorpresa ng Slammers ang liyamadong Beermen sa unang pagkiÂkita noong Huwebes ng gabi sa Ynares Antipolo nang kunin ang 62-60 panalo sa birada ni DarongÂpan Apiromvilaichai sa huling limang segundo ng bakbakan.
Bukod sa pagkulapso ng depensa, nagkalat sa court ang Beermen sa ginawang 25 errors para matapos na rin ang 16-gaÂme winning streak ng host team.
“Ngayong wala ng winning streak, nakikita ko na focus uli kami sa mga dapat naming gawin,†wika ni Austria.
Ang kabiguang nangyari ang naghubad sa Beermen sa tangang ho-Âmecourt advantage sa best-of-five series dahil kahit manalo ngayon ang koponan, magkakaroon pa rin ang Slammers na tapusin ang series sa Bangkok dahil dito gagawin ang Games Three at Four.
Hindi naman iniisip ni Austria ang bagay na ito kundi ang makuha ang panalo at maitabla sa 1-1 ang serye.
May 13 puntos ang nagbabalik na si Chris Banchero pero may isang assist lamang siya.
- Latest