Cuello sasabak na sa world title
MANILA, Philippines - Dumating na ang matagal nang hinahangad na pagkakataon ni Denver ‘The Excitement’ Cuello na makalaban para sa isang world boxing crown.
Hahamunin ng Filipino mandatory challenger na si Cuello si Xiong Zhao Zhong ng China para sa suot nitong World Boxing Council minimumweight title sa Hunyo 28 sa Dubai, United Arab Emirates.
Ito ang kauna-unahang title fight ni Cuello para sa isang lehitimong world boÂxing crown matapos magbitbit ng WBC International at Silver minimumweight belts.
Sinabi ni WBC official Patrick Cusik kay WBC president Jose Sulaiman kapwa pumirma na ng kanilang mga fight contract sina Cuello (33-4-6, 21 knockouts) at Zhong (20-4-1, 11 KOs).
Nagmula ang 26-anyos na tubong Cabatuan, Iloilo na si Cuello sa isang majoÂrity decision win kontra kay Takashi Kunishige ng Japan sa kanilang ten-round, non-title bout noong Abril 7 sa Osaka, Japan.
Sumasakay sa isang 12-fight winning streak si Cuello, huling nakatikim ng kabiguan kay Juan Hernandez sa kanilang WBC minimumweight title eliminator noong Mayo 22, 2010 sa Mexico.
Nakuha ng 30-anyos na si Zhong ang bakanteng WBC belt nang dominahin si Javier Martinez Resendiz ng Mexico via unanimous decision noong Nobyembre 24, 2012 sa Kunming City Stadium sa China.
Kumpiyansa si Cuello na maaagaw niya kay Zhong ang suot nitong WBC crown.
- Latest