Malditas binokya ang Iran
Laro Ngayon
(Bangabandhu National Stadium, Dhaka)
6 p.m. (Manila time)
Pilipinas vs Thailand
9 p.m. Bangladesh vs Iran
MANILA, Philippines - Magarang panimula ang naitala ng Philippine Malditas nang talunin ang mas mataas na ranking na Iran, 6-0, sa pagbubukas ng 2014 AFC Women’s Asian Cup qualifiers noong Martes ng gabi sa BangaÂbandhu National Stadium sa Dhaka, Bangladesh.
Ang 83rd ranked na Philippine team ay umiskor ng tatlong goals sa unang apat na minuto ng labanan sa 54th ranked Iranian booters para pantayan ang Thailand sa liderato sa Group B sa 1-0 baraha.
Nakuha ng 29th ranked na Thais ang unang panalo sa 9-0 shutout tagumpay sa 109th ranked Bangladesh.
Sina Heather Cooke, Megan Jurado at Jesse Shugg ang mga umiskor agad para sa Malditas. Gumawa ng ikalawang goal si Shugg sa injury time habang si Joana Houplin ang umani ng isa sa 41st minute. Ang isang goal ay own goal ng Iranian defender na si Sharshin Kamangar na ikaapat na goal sa laro.
Liderato ang paglalabanan ngayong gabi dahil magtutuos ang Thailand at Malditas.
Krusyal ang makukuÂhang panalo dahil ang maÂngunguna sa grupo ang makakakuha ng puwesto para sa Asian Cup
- Latest