Kapwa pupukpok Ateneo-NU mag-uunahan sa game 1
MANILA, Philippines - Magsisimula ngayon ang klasikong pagkikita ng dalawang koponang dinodomina ang Shakey’s V-League Season 10 First Conference.
Ang nagdedepensang Ateneo at ang National University ang mag-uunahan sa mahalagang 1-0 kalaÂmangan sa best-of-three Finals sa ganap na alas-4 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Magsisilbing panghimagas ay ang pagkikita ng Adamson at UST sa ganap na alas-2 ng hapon para sa battle-for-third place na inilagay din sa best-of-three series.
Nararapat lamang na ang Lady Eagles at Lady Bulldogs ang siyang magtuos para sa titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s dahil angat ang kanilang laro kumpara sa ibang nagsisali.
Katunayan, isang beÂses pa lamang natatalo ang dalawang kopoÂnan papasok sa chamÂpionÂship round para katampukan ang kaÂnilang kahanga-hangang lebel ng pagÂlalaro.
Ang tropa ni coach Roger Gorayeb ay pinadapa ng NU na nangyari sa quarterfinals, 15-25, 12-25, 24-26, nguÂnit ibang Ateneo ang haharapin ng tropa ni coach Edjet Mabbayad sa Finals dahil sa pagpasok ni Thai import Jeng Bualee.
Sa pakikipagÂtulungan nina BuaÂlee, Rachel Ann Daquis, Alyssa Valdez, Fille Cainglet at Jem Ferrer, winalis ng Lady Eagles ang 6-time champion UST sa semifinals para iparamdam ang kanilang kahandaan na idepensa ang titulong hawak sa huling dalawang taon.
“Mas malakas ngayon ang Ateneo kumpara noong tinalo namin sila dahil kay Jeng,†wika ni Mabbayad.
Ngunit may kumpiyansa siyang handa ang kanyang koponan na harapin ang hamon ng Lady Eagles matapos ang pagbangon ng bataan sa semifinals series nila ng Adamson.
Ang Lady Falcons ang tumapos sa anim na sunod na pagpapanalo ng Lady Bulldogs sa Game One sa Final Four, 22-25, 25-18, 25-19, 22-25, 15-13. Pero bumangon ang NU at tinalo ang Adamson sa sunod na dalawang laro, 20-25, 25-21, 24-26, 25-21, 15-12, at 24-26, 25-20, 25-15, 25-22, para makaabot sa Finals sa unang pagkaÂkaÂtaon.
Ang kaÂraÂÂnaÂsang nakuha sa mahigpitang semis series ang magpapatibay sa ipakikitang laro nina Dindin Santiago, Myla Pablo at Jennylyn Reyes na siyang best scorer, best spiker, best digger at receiver ng ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Pero ang magdadala sa koponan ay ang beteÂranang si Ruby de Leon na siyang number one setter ng palaro.
“Ang laro ng NU ay nakadepende kay Ruby dahil siya ang nagdadala sa kanila. Kung maganda ang ipakikita niya, mananalo sila, kung masama, may tsansa kami,†wika ni Gorayeb.
Magkakaroon ng pagkaÂkataon ang mananalo na angkinin na ang titulo sa GaÂme Two sa Linggo (Mayo 26) sa nasabing venue.
Kung sakaling magtabla, ang deciding Game Three ay sa Hunyo 2 sa Philsports Arena sa Pasig City gaganapin.
- Latest