Briones, Dolar nagpasiklab agad, kumana ng gold
MANILA, Philippines - Bilang isang magna cum laude sa Far Eastern University, madali na siyang makakahanap ng trabaho.
Ngunit mas matimbang para kay Joseph Buck Briones ng Marikina ang maging kinatawan ng bansa sa mga international competitions.
“Gusto kong mag-apply sa mga media company, pero sayang ang opportunity para maging representative ng bansa sa mga kagaya ng Southeast Asian Games,†sabi ng 23-anyos na si Briones, nagtapos ng kursong Mass Communications sa FEU, matapos angkinin ang unang gintong medalya sa 2013 PSC-POC National Games kahapon sa Rizal Memorial Gymnastics Center.
Kapwa nakakuha sina Briones, bahagi ng FEU cheeÂring team na nagkampeon sa 2009 UAAP cheerleading competition, at Francis Rivera ng Caloocan ng magkatulad na 16.85 points sa individual men’s aerobics sa gymnastics event.
Ngunit napunta kay Briones, coach ng cheering squad ng Letran College, ang gold medal dahil sa mas maganda niyang execution kumpara kay Rivera.
Ang ikalawang gintong medalya ay nakuha naman ni national team member Charmaine Dolar mula sa kanyang natanggap na 21.25 points sa individual women’s aerobics kasunod sina national team mainstay Lynette Ann Moreno (19.175) at Rizal bet Rochelyn Cerda (16.700).
Pormal na magsisimula ang annual meet sa Biyernes tampok ang mga labanan sa athletics sa Philsports Arena sa Pasig City at swimming sa Rizal Memorial Swimming Center sa Malate, Manila.
Kabuuang 41 sports events ang nakalatag para sa nasabing 10-day event.
- Latest