^

PSN Palaro

Volcanoes sinunog ang UAE

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumuga rin ng apoy ang Philippine Volcanoes nang talunin ang mas beteranong United Arab Emirates, 24-8, sa pagtatapos ng HSBC Asian 5 Nations noong Sabado sa Rizal Memorial Football Field.

Sa larong magdedetermina kung bababa ng grupo ang national rugby team, lumabas ang itinatagong tibay ng loob at husay sa paglalaro ng team sport na  ito para hiyain ang mas matagal nang nagla­laro na UAE at manatili sa elite division sa kinuhang unang panalo matapos ang apat na laro.

Ito naman ang ikaapat na sunod na pagkatalo ng The Falcons para bumaba sa Division 1 mula 2009.

Tulad nang ipinangako ng team officials na lalaban ng sabayan ang home team, hindi nawala ang tikas ng Volcanoes matapos hawakan ang 12-0 kalamangan para maging palaban pa sa puwesto sa 2015 Rugby World Cup.

“We are thrilled to be staying up in the top fight but most importantly, we now know what it takes to compete at this level,” wika ni Volcanoes coach Jarred Hodges.

Nakadikit ang UAE sa apat, 12-8, sa halftime para mangamba ang mahigit na 5000 manonood na baka maulit ang pagkulapso ng Nationals tulad ng nangyari noong natalo sa Hong Kong, 20-59, sa naunang home game.

Pero  hindi nangyari ito dahil tinapatan ng Volcanoes ang intensidad ng Falcons at ang try ni Alexander Aronson ang nagtulak sa host team sa 19-8 kalamangan.

Makakasama ng Pilipinas ang nagkampeong Japan, South Korea, Hong Kong at Sri Lanka na  kakampanya sa susunod na season na isang ‘direct qualifying’ para sa World Cup.

Ang hihiranging kampeon ang siyang diretsong aabante sa World Cup ha­bang ang papangalawa ay makikipagtagisan sa pa­pangalawa sa ibang qualifiers.

 

 

ALEXANDER ARONSON

HONG KONG

JARRED HODGES

PHILIPPINE VOLCANOES

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL FIELD

RUGBY WORLD CUP

SOUTH KOREA

SRI LANKA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with