^

PSN Palaro

Corteza tinumbok ang titulo sa China Open

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pumaimbulog uli ang husay ng Pinoy kung pag­l­a­laro ng bilyar ang pag-uusapan nang pagharian ni Lee Van Corteza ang 2013 China Open 9-Ball na natapos kahapon sa Shanghai, China.

Ang 34-anyos na tubong Davao City ay hindi natalo sa kabuuan ng kompetis­yon at hiniya niya sa titulo ang Chinese Taipei pool player na si Fu Che-wei, 11-6, upang sa ikalawang sunod na edisyon ng torneong may basbas ng World Pool Association ay nakapagdomina uli ang  isang Filipino cue artist.

Noong nakaraang taon, si Dennis Orcollo ang hinirang na kampeon nang talunin ang isa pang Taiwanese player na si Lu Hui-chan, 11-9.

Sa pagkakataong ito, si Orcollo ay umabot lamang sa round-of-16 bago yumu­kod sa kalabang si Fu sa iskor na 8-11.

Halagang $40,000.00 ang napagwagian ni Corteza upang pawiin ang di magandang naipakita sa Derby City 9-Ball, One Pocket at Banks division na kung saan siya ay tumapos sa 19th, 22nd at 67th puwesto.

Para makapasok sa Finals, tinapos muna ni Corteza ang makasaysa­yang laban ni Omar Al Shaheen ng Kuwait, 11-3.

Kumampanya muna si Corteza sa qualifying round at tinalo sina Nikolaos Malaj ng Albania, 9-6, at Do The Kien ng Vietnam, 9-6, para pangunahan ang Group F.

Sa Knockout round, unang pinataob ni  Corteza, 3rd place sa 2009 China Open, si Albin Ouschan ng Austria, 11-8, bago isinunod ang dating World Junior Champion na si Ko Pin-yi ng Taipei, 11-5, at Zheng Yu Xuan ng Taipei, 11-8.

Sa kabilang banda, si Fu na nakontento sa $20,000.00 premyo ay pumasok sa Finals sa bisa ng 11-8 tagumpay kay Wu Jiaqing ng China.

Ang sunod na Pinoy na may magandang tinapos ay si Carlo Biado na nalagay sa  ikalimang puwesto tungo sa $5,500.00 prem­yo habang si Orcollo ay nakontento sa $2,500.00 matapos makasalo sa ika-siyam na puwesto.

vuukle comment

ALBIN OUSCHAN

CARLO BIADO

CHINA OPEN

CHINESE TAIPEI

CORTEZA

DAVAO CITY

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY

DO THE KIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with